INTEGRASYON NG EDUKASYONG GENDER SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Authors

  • Dr. Jessica Marie I. Dela Peña Tarlac State University-College of Teacher Education, Lucinda Campus Tarlac City, Philippines

Keywords:

Gender Equality sa Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pagtibayin ang integrasyon ng edukasyong gender sa pagtuturo ng panitikan sa kolehiyo at masuportahan ang mga programa ng Tanggapan ng Gender and Development sa mga kolehiyo ng ating unibersidad upang maitaguyod ang pantay na karapatan at oportunidad para sa mga kababaihan at kalalakihan, at mahawan ang diskriminasyon at di pantay na pagtrato sa mga kababaihan sa aspetong ekonomik, politikal, sosyal at kultural na namamayani sa ating lipunan

Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito ay palarawang pananaliksik o  “Descriptive Research” na kung saan gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan, obserbasyon, at panayam sa pagkalap ng mga kailangang datos sa pag-aaral. Ginamit na kalahok ang 3 gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino at ang mga piling kabuuang isandaan at dalawampung (120) mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at Agham  Panlipunan (CASS). Itinuos sa weighted mean ang mga nakalap na datos at matamang sinuri at binigyang interpretasyon.

Downloads

Published

-

How to Cite

Dr. Jessica Marie I. Dela Peña. (2023). INTEGRASYON NG EDUKASYONG GENDER SA PAGTUTURO NG FILIPINO. EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR), 9(2), 53–64. Retrieved from http://eprajournals.net/index.php/IJMR/article/view/1469