GRAMAFIL APP BILANG INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASAMPUNG BAITANG

Authors

  • Adela P.Sacay -

Abstract

Isa sa tuon ng kasalukuyang kurikulum ay ang malinang ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Pokus ng pag-aaral na ito  ang mga kompetensing panggramatika sa unang markahan na kabilang sa Most Essential Learning Competencies o MELCs. Mahalaga ang pagsipat sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral upang matugunan ang anumang gap at makabuo ng angkop na dulog upang maiangat ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Ang pagkatuto sa gramatika ng mga mag-aaral ay kapaki-pakinabang upang lalo pa nilang mapaunlad ang pagsulat at pagsasalita  tungo sa mahusay na kakayahang komunikatibo. Nilayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang, nailarawan ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat kompetensi, Matukoy   ang bisa ng  GramaFil App sa pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang at kung may makabuluhan bang pagkakaiiba sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang GramaFil App. Gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa pag-aaral na ito. Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral natuklasan na sa kabuuan, umangat mula sa katamtaman tungo sa mataas na antas ang antas ng kakayahang panggramatika  ng mga mag-aaral   gamit ang GramaFil App. Nagpapatunay ito na mas ganap na nauuwaan ng mga mag-aaral ang aralin sa gramatika gamit ang GramaFil App, Samantalang  ang kompetensi namang may mababang antas ay umangat sa mataas na antas. Kaugnay nito, upang lalo pang mapaunlad ang akademikong pagganap ng mga  mag-aaral sa asignaturang Filipino, inirerekomenda ng mananaliksik na ipagpatuloy ang paggamit ng GramaFil App hindi lamang bilang interbensyon kundi bilang kagamitang   pampagtuturo sa Filipino.

Downloads

Published

-

How to Cite

Adela P.Sacay. (2023). GRAMAFIL APP BILANG INTERBENSYON SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG PANGGRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASAMPUNG BAITANG . EPRA International Journal of Research and Development (IJRD), 8(6), 31–37. Retrieved from https://eprajournals.net/index.php/IJRD/article/view/2192